Hugot Sizzling Hub

Mga beshies, Tagalog blog para intense!

Inaalay ko ang blog na ito sa minamahal kong kaibigan na si Aiko Lee na pagkahaba-haba at pagkalalim-lalim ng hugot.

Nagpunta kami dito nung March pa. Sorry mga bes, busy sa junakis ang lola nyo. Wala na nga akong oras para maligo, magblog pa kaya? 😁😁 Enihaw, galing kami sa lamay ng kapatid ng tropa namin sa Marilao. Pauwi na kami at nagiisip ng makakainan dahil halos dumugo na ang mga tyan namin dahil sa gutom. Gaya ng masalimuot na lab story ng kaibigan kong sobrang nakakadugo ng puso. Naalala ko na gusto ko nga palang kumain sa Hugot Sizzling Hub na matagal ko ng nadadaan daanan. Matatagpuan ito sa 3rd floor ng St. Anne’s Building sa Balagtas, Bulacan sa tapat lang ng palengke at sa taas ng KFC. May parking space naman kaya lang kung madaming kumakain sa KFC, siguradong wala ka ng mapaparkan. May mga bata naman doon na tutulong sayo na magpark kaya wag kang magalala. Tutulungan ka nila hanggang sa OK ka na sa dispusisyon mo. Parang yung kaibigan ko, talagang tinutulungan pa nya maging OK ang kanyang dating iniibig (o hanggang ngayon pa). Move on na day! Ayun na nga, pagakyat mo ng medyo nakakapagod na hagdan, bubungad na sayo yung Hugot. Maliit lang yung lugar pero maayos at nakakaaliw yung mga nakapaskil sa dingding. Pero dahil gutom na nga kami, agad kaming umorder para makalamon na. Akala naming mabilis lang kaming makakapili ng mga putahe, mahirap pala. Mas gugustuhin mo muna kasing basahin yung menu.

Oh diba? Malilibang ka muna bago ka makaorder. OK naman yung menu nila, madaming pagpipilian. Pero sa mga drinks, hindi lahat available. Ewan ko lang kung dahil pasara na nung pumunta kami kaya naubos na siguro yung gusto ko. Mabilis din naman dumating yung mga order namin. At eto na nga sila..

#LettingGo Pasta Carbora. Ang sarap nito promise. Kasing sarap ng dating pagmamahalan ng mga kaibigan ko. Tamang tama ang timpla, may crunch pa. Ang kasamang toasted bread ay masarap din. Parang may butter at garlic yata kung di ako nagkakamali. Pasensya na nakalimutan ko na. Mabilis akong makalimot di tulad ng kaibigan ko na hindi pa din makalimot sa past nya.

#Tinadhanang Pork Sisig. Sorry Hugot pero di namin to bet. Nakalimutan ko na yung lasa basta hindi ko bet. May matitigas na parts. Kasing tigas ng puso ng kaibigan ko. πŸ˜–πŸ˜–

#MahalagaKa Tofu Con Liempo. Ay winner to! Bet na bet mga besh! Pagkasarap.. Di ko maexplain. Basta masarap. May anghang din. Gaya ng nagaanghangang masasakit na salita na nasambit ng mga kaibigan ko. πŸ˜”

#BurningForYou Choco Hot Fudge in Pabida at Cucumber Juice. Sa kaibigan ko yung juice so hindi ko alam yung lasa. Pero sa tingin ko ito yung nabibili lang din sa Nestle na powdered juice. Pero yung frappe, masarap din. Matamis gaya ng dating pagmamahalan ng mga kaibigan ko. 

Bukod sa masaklap na kwento ng kaibigan ko habang kumakain kami, madami ding masasaklap na hugot ang resto na ito. Pero ako muna ang huhugot tungkol dito, OK naman, masarap at madami yung serving nila. Hindi ka na lugi beshy. Mura na, masarap pa. Madami kang pagpipilian depende sa trip mo. Parang jowa lang yan, madami kang mahahanap kung anong trip mo. Basta piliin mo lang mabuti at wag kung sino lang. Makakahanap ka din ng masarap at sulit mahalin. Pero tandaan mo, lahat ng bagay nagbabago. Gaya ng sisig na nakain ko, hindi sya sulit. Pero malay mo magimprove sa darating na panahon. Gaya ng ex mo, maaaring may mali sakanya, maaaring may kulang, maaaring masyadong matapang. Pero pwedeng magbago yan. Pwedeng magimprove yan. Kapit lang mga bes! Malay nyo maging swak ulit kayo sa tamang panahon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s